Martes, Nobyembre 19, 2013

                                        Bkit progress? Kagaya ng nasabi namin noong una , sa umpisa pa lamang ay nahirapang na kami sa pagpoprogram at paggawa ng robot. Ngunit sa tulong ng aming butihing mga guro at ng mga opisyal ng tagrobo ay unti-unti ring gumaan ang mga gawain at nabigyan ng kasagutan ang aming mga katanungan. Kung sa una'y hindi namin mapagalaw c progress ay ng lumaon ay natutunan na rin nitong sumunod sa mga command katulad ng "forward, backward ..kanan o kaliwa" sa napansin naming pagbabago hindi lamang ng aming robot kund i pati na rin sa aming samahan ay napagdesisyunan naming bigyan ang aming robot ng pangalang "progress"
Noong nabuo ang grupo namin, nahirapan kaming makuha kung ano ba ang dapat gawin, ano ba ang dapat mauna, anong desenyo ba ang kaylangan gawin, at kung ano ano pang tanong ang lumilikha saaming mga isipan. Kaylangang pag –isipan talaga itong mga bagay na ganito dahil pangalan ng eskwelahan namin ang aming bitbitin. Sa pagdedisenyo, kami’y nahirapan dito dahil hindi naming alam kung paano at kung saan kami pagsisimula. Wala kaming ideya kung paano nga ba simulan ang mga ganitong istraktura. Ngunit, kami ay nagpapasalamat sa isang guro na may higit na kaalaman sa paggawa ng mga ganitong klaseng gawain. Dahil sa guro namin na ito, marami kaming natutunan na mga diskarte upang maging matibay at maayos ang isang bagay na tulad ng ganito. Sinimulan muna ito sa simpleng sketch ng aming guro n tumulong saamin hanggang sa ito ay simulan na hanggang tuloy tuloy na. itong disenyo na ito ay nagawa lamang ng dalawang araw, kay bilis lang ng aming robot gawin ano? Kahit na mabilis lang gawin an gaming robot, sigurado naman kaming matibay at nasa maayos ang kondisyon nito. At nang matapos na yung kanyang panloob na mga makinarya, sinunuod naman nito ang kanyang palabas. Dito kami nagtagal dahil wala kaming maisip na maganda at maayos na disenyo, ang iba hindi pa nag kakaunawaan, ang iba ayaw magbigay ng ideya upang matapos na ito. Hanggang sa Nakapag desisiyon na ang aming kagrupo na kahit ano na lamang ang maging disenyo nito. At nagging maayos naman ang kinalabasan nito.
                                    Mayo 31, ito na ang ikalima at ikahuling araw ng programa, pinarangalan ang mga eskwelahan na nanalo sa naganap na "contest" . dito rin pinakilala ang mga iba't- ibang paaralan na kalahok sa tagisang robotics 2013. at doon na nag-umpisa ang pakikipagsapalaran namin at ng aming paaralan sa pagsali sa kauna-unahang pagkakataon.
                   Mayo 29, itinuro na ang pagpoprogram , dito mas pinalawak pa ang kaalaman namin tungkol sa arduino, bread board at iba't-iba pang software na may kinalaman sa pagpopogram . sa dalawang araw na nalalabi, itinuro naman ang wireless communication, ang bluetooth. binigyan ang bawat kalahok na pimili ng kagrupo o kapares para sa gaganapin na contest sa pagtatapos ng programa. dito hindi lamang pakikipagkumpitensya ang nabuo kundi nmayani rin ang pakikipagkaibigan at "sportsmanship" sa bawat isa sa amin.

                        Sa ikalawang araw, mayo 28 . tinuruan ang mga kalahok ng "soldering" ito ay para maihanda na rin sila sa pagbuo ng kani-kanilang Mother board at robot sakaling kailanganin nila ang paghihina ng bakal


Sa ikaunang araw, mayo 27, pormal ng binuksan ang programa kung saan tuturuan ang mga piling mag-aaral ng iba't ibang paaralan sa pinaka "basic" hanggang sa pinaka kumplikadong detalye sa paggawa ng "robot' na siyang bubuuin at lalruin sa pagdating ng mismong laban

Lunes, Nobyembre 18, 2013

                           Handang handa na ang Pasay City South High School sa unang sabak nila sa paligsahang Tagisang Robotics. Isa sila sa rookie na paaralang sasali sa Tagisang Robotics ngunit kahit na baguhan pa lamang sila sa ganitong mga paligsahan ay aangrangkada at makikisabay sila sa mga paaralang matagal nang kasali sa paligsahan na ito. Ito na ang pagkakataon upang maipakita ng Team Southix kung ano ang kaya nilang gawin. Naway masungkit nila ang titulong Rookie Of the Year.