Martes, Nobyembre 19, 2013
Noong nabuo ang grupo namin, nahirapan kaming makuha kung ano ba ang dapat gawin, ano ba ang dapat mauna, anong desenyo ba ang kaylangan gawin, at kung ano ano pang tanong ang lumilikha saaming mga isipan. Kaylangang pag –isipan talaga itong mga bagay na ganito dahil pangalan ng eskwelahan namin ang aming bitbitin.
Sa pagdedisenyo, kami’y nahirapan dito dahil hindi naming alam kung paano at kung saan kami pagsisimula. Wala kaming ideya kung paano nga ba simulan ang mga ganitong istraktura. Ngunit, kami ay nagpapasalamat sa isang guro na may higit na kaalaman sa paggawa ng mga ganitong klaseng gawain. Dahil sa guro namin na ito, marami kaming natutunan na mga diskarte upang maging matibay at maayos ang isang bagay na tulad ng ganito. Sinimulan muna ito sa simpleng sketch ng aming guro n tumulong saamin hanggang sa ito ay simulan na hanggang tuloy tuloy na. itong disenyo na ito ay nagawa lamang ng dalawang araw, kay bilis lang ng aming robot gawin ano? Kahit na mabilis lang gawin an gaming robot, sigurado naman kaming matibay at nasa maayos ang kondisyon nito. At nang matapos na yung kanyang panloob na mga makinarya, sinunuod naman nito ang kanyang palabas. Dito kami nagtagal dahil wala kaming maisip na maganda at maayos na disenyo, ang iba hindi pa nag kakaunawaan, ang iba ayaw magbigay ng ideya upang matapos na ito. Hanggang sa Nakapag desisiyon na ang aming kagrupo na kahit ano na lamang ang maging disenyo nito. At nagging maayos naman ang kinalabasan nito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento